Wednesday, June 28, 2017

No More Maint

I'm just happy na successful ang diet (low fat/low salt) and exercise dahil kakatapos lang ng blood chem ko at check up ko kanina, and doctor advised na no more maintenance na muna. Just make sure na tuloy ang low fat low salt diet, weight-control at exercise (bike, run, etc).

Thank God for this wonderful blessing :)

Tuesday, May 23, 2017

Consistency is the key


Yehey! I'm officially into running. Isa itong follow up post sa blog post ko nung simula ng taon. At natutuwa naman ako na madalas ko na itong nagagawa. 

Proof?


 Isama na rin natin ang paminsan-minsang biking :)

Tuloy tuloy lang at i-enjoy lang ito
Consistency is the key ika nga!

Hanggang sa susunod na post...



Tuesday, January 31, 2017

Happy New Year!!!

2017 na!!!

Hindi talaga ako mahilig sa mga new years resolution, pero ibahin natin this year.
Kase para sa ikakaganda naman ng kalusugan ito so this year maging mas active ako sa mga health activities at exercises like biking


at running/jogging



good start ang January o kase ke ebidensya na di ba?

Tapos magiging active na rin ako sa mga blogs ko kaya sulat dito sulat doon, at mag try bumalik mag es ee ow. Sa main blog, dito at sa iba pang topic-focused blogs ko. Wish me luck this year!!!

Happy New Year to all! May we all have a prosperous new year this 2017 :)

Monday, October 24, 2016

Happy Birthday Carl!

Happy Birthday Carl, Cal, Callie!!!


Happy birthday Smoochum, Fat So Tri, Carlbo, Carlitos dela Cheetos :)

God bless you!

Sunday, May 29, 2016

Lolan

Lord, help us to see death for what it really is,
 the end of poverty and the beginning of riches;
 the end of frustration and the beginning of fulfillment;
 the end of fear and the beginning of tranquility;
 the end of pain and the beginning of joy;
 the end of weakness and the beginning of strength.

I remember Kuya Ronald as a happy person. We fondly call him Lolan. We both loved food. He will always prepare good food for us during christmastime and during bakasyon. We both liked basketball. He would accompany me to my basketball games during summertime and I would also watch his basketball games in our town plaza. I still remember when I was young and I wanted to join a basketball league and the team I want to join in have so many requirements. He noticed that I am getting a little bit frustrated, so he asked me to join his team instead and promised no other requirements (he got connections hehe). During that summer basketball league, he advised me to have fun and just enjoy the game, a good advise that is applicable in the game and in life.

Today is supposedly his 52nd birthday but God has better plans for him. And so today is his 9th day in a better place (pasiyam).



Let me quote another line from a prayer...
Let not grief overwhelm us, or a sense of loss embitter us.
But out of our sadness, let there arise a new joy, for so much given to us.
Thank you for the happy memories Kuya Lolan!

Rest in peace Kuya Ronald! May your soul and the souls of all faithful departed through the mercy of God, rest in peace.
Amen.


Saturday, April 30, 2016

Ate


(This post was conceptualized April 26, 2016 on the exact date of her bday but given last week's schedule was tough, so I'm posting this on the last day of April, still her birthday month).

Si Ate na butihing maybahay ni Kuya. Si Ate na nakasama ko sa Maynila nung nag-aaral pa ako. Mabait. Magaling magluto, at malaking impluwensya sa pag introduce sa akin ng iba't ibang gulay at ulam lalo na yung galing sa Norte (hi pinakbet, hello papaitan!).

Unique din ang pangalan nya. Filipinas. Tapos marami sya nickname. Nandyan ang Fely, Pie, Arpee at Pye. At bigla ko pala naalala hanggang ngayon hindi ko pala natatanong sa kanya kung ano ba talaga ang kwento behind the name. Kelangan ko rin yata iconfirm sa kanya kung sobra ba talagang nationalistic sila Tatay Roger at Nanay Lourdes kaya yun ang name nya.

Isa sa mga hindi ko malilimutang kwento with Ate ay ganito: Nagsisimba kame tatlo nila Kuya. Sa Mount Carmel Church sa me Broadway, New Manila. Habang nagdadasal kme nakaluhod sa pew, napansin ko na napasandal sya sa akin, tapos pabigat ng pabigat yung pagkakasandal nya. Yun pala nahihilo na kase nga coming soon na pala si Yamski :)

2015 PH Visit
Group Pic with Ate Pye and the gang at Omakase


Dahil nga istrikto si Kuya (teka obvious naman nung dinetail ko sa previous post na ito di ba?) si Ate yung equalizer. Kung si Kuya yung masugid na disciplinarian na nagbabawal na kung anu-ano si Ate naman ay tahimik at relax lang. At kung kokonsulatahin mo sa mga bagay-bagay malumanay lang nya sasabihin sa yo yung opinion nya at hindi iimpose ang gusto nya. Madalas dadaanin ka pa nga reverse psychology. Later on ko lang na-realize na ganun pala strategy nilang mag asawa. Parang good cop/bad cop lang. Or give and take, bawal magalit ng sabay, bigayan lang. Very useful sa buhay mag-asawa.

Dati marami syang "points of view" na hindi ko mapagtanto kung bakit ganun (pero parang inaccept ko na lang). Pero nung kinasal na ako dun ko lang nainitindihan na "there is wisdom behind those points of view".

Salamat Ate. Sa mga words of wisdom at advice mo.

Happy Birthday sa yo Ate Pye!!!
God bless you and the your family!


Monday, April 11, 2016

Happy Birthday Raven!!!

They say a picture is worth a thousand words, so here are five thousand words to greet you a Happy Happy Birthday!!!

I

LOVE

YOU

VERY

MUCH

I promise that this will be a month-long (maybe even 2-month-long) birthday celebration!

Happy Birthday Moms!!!