Monday, September 17, 2007

Travel Visa

9:15AM
I spent the whole morning in Makati doing a follow-up for my "ostrich" visa. Actually 2 weeks ago nag-personal appearance ako sa opisina nila para i-submit ang mga requirements. Nakakalungkot lang today kase ayaw ako papasukin sa opisina nila, dahil daw wala ako appointment, 8AM~9AM lang daw yung follow-up tapo 9:15 na daw so mag-email or tawag na lang daw ako. Nung tumawag naman ako me manang na sumagot sa akin, at padabog na na sinabing "pag walang tawag sa yo, wala pa yung visa mo". Tried emailing them pero wala pa ring nangyayari. Nakakalungkot isipin na kung sino pa yung kalahi mo, sya pa magsusungit sa yo. I really felt bad, parang nagmamakaawa pa ako sa kanila na payagan ako makapunta sa bansa nila, eh sa akin lang pumunta man ako dun or hinde ok lang ako, yung kumpanya ko na lang mag-shoulder sa non-reimbursible expense sa conference.

12:30PM
Daan lang sa chapel sa eastwood. Thanked God for the blessings that I've been receiving. Keep cool na ako.

2:30PM
Vice Consul replied. under processing pa daw. Notify ko na sila dito sa office na cancel ko "ostrich" trip ko. Hay buhay...