Monday, May 31, 2010

Weekend: Glorietta at Greenbelt

Nakapagbasa ako ng mga lumang post dito sa Chartotem at nabasa ko ang mga dota posts at na miss kong mag-filipino sa blog ?

Dahil summer na summer pa rin sa Maynila e lumabas kame ng bahay kahapon: Raven, Baroye, Magne at Draylee. Medyo kinakabahan ako ng una kase kaka-repair lang ng aircon ni charchar at baka bumigay ito pero OK naman ang byahe. Matagal tagal na rin kameng nde nakakapunta ni Raven sa Makati kaya napag-isipan naming sa Glorietta pumunta. Eto yata ang una kong punta ng Glorietta pagkatapos magkaroon ng explosion incident dati. Madaming nagbago dito sa Ayala, meron na pala Glorietta 5 :)

Kumain kame  sa Sentro 1771 at aliw na aliw si Baroye sa butong pakwan. Ok naman ang pagkain, Fried Kesong Puti for appetizer at Sinigang na Corned Beef at Boneless Crispy Pata ang main dish. Pagkatapos ay nag-Timezone kame. Akala ko si Draylee ang mag-eenjoy sa lakad na ito pero mukhang si Baroye at Magne pag ang mas enjoy sa Timezone. Si Magne excited sa Dance Dance Revolution. Si Baroye naman sa basketball at ninja sword game. Iba na pala ang sistema sa Timezone, wala ng ticket na ilalabas yung machine parang nakastore na lang sa value card. Paperless, Ayus!

Pagkatapos ng TimeZone ay nagpalamig kame sa Fusion, with matching fruit smoothies, potato fries at nachos habang si Draylee ay knock out sa kanyang stroller. Naglibut-libot lang kame ng konti pagkatapos kase si Baroye ay naghahanap ng Neutral Grounds para sa kanyang 10-sided die at sila Magne at Raven naman ay naghahanap ng mga baby stuff ni Draylee. Enjoy kame kahit medyo nakakapagod. Sa uulitin :)


Sunday, May 02, 2010

Back in Manila

After one of the most frustrating travel experience I'm back in Manila. And since Chartotem's blog is not the place for rants (I will reserve that to the other blog), I will just post the happy thoughts here (remind me to post the cool mango shake pic)

Manila is hot, scorching hot! So to take the heat off our backs, Raven and I watched Iron Man 2. Yup its already showing in Manila even if some of the officemates told me that it should be May 7 Global Premier. Nice Movie!

We will be off to the malls with Cian Drayleefoo later!!!