Tuesday, November 19, 2013

Parang Shampoo Lang

Isang milestone?

Oo kinonsider ko na isang milestone yung magpost ako sa blog ng tungkol ke Papa at nde ako naiiyak. Actually ito yata ang isa sa mga nakakatuwa ng blogging, yung nakakapaglabas ka na mga saloobin mo freely. Sulat lang ng sulat pag me oras, konting edit at dyaran! publish/post.

Namiss ko pala yung ganun pagblo-blog, yung me strong emotions yung post. Yun tungkol sa luha naalala ko lang yung dating shampoo na paborito ko nung bata pa ako: J&J No More Tears. Me tears pa naman pero focus on the positive things lang at sa mga happy thoughts, samahan mo ng prayers, you will learn to cope up more.

On blog postings, nakapagblog na rin ako sa main blog tungkol ke Papa. Actually dalawang post na pala. Yun nga lang di ko pa nasusundan ng ibang post. Pero again yun ang kagandahan ng isang blog na matagal mo ng nasimulan at nasimulan mo ng maayos. Nde mo kelangan ang updated post na madalas, me hits pa rin over time. Wala naman pressure masyado sa main blog na magpost kagaad or magpost ng marami, press the ball lang at enjoy blogging.