Thursday, August 21, 2014

Meyntenans

Dati yang salita na yan ay ayaw na ayaw ko. Isang beses sa isang linggo. Pero kailangan ng servers ng pahinga at paglilinis. Masaya pag isang oras lang. Malungkot pag mga anim hanggang walong oras. Dati yun sa Wow.

Pero iba na ngayon. Hindi na ito patungkol sa laro. Ito ay pangkalusugan na. LDL at VLDL. Cholesterol. Yan ang matataas.


Cholesterol Spacefill.jpeg

Credits: Wikimedia Commons.


Napabayaan kase ang check up at diyeta. Sabi ni Doktora i-try daw ng tatlong buwan. Babalik pagkatapos nun. At hindi dahil meron ng ganyan e lamon pa rin. Iwas na muna karne. Mas damihan ang isda at manok. Wala muna prito prito. Steamed at grilled mas maganda. Damihan rin ang gulay. At galaw galaw at mag eexercise na rin.

For good health.