Saturday, October 27, 2012

Trick or Treat

Unang Trick or Treat ko itong 2012. Hindi naman kase uso itong Trick or Treat na ito nung bata pa ako. Excited ako para ke Deylie. Pero mas excited yata ako dahil nga pers taym.


Galante ang ibang bahay, me naka-pakete pang mamahaling tsokolate at kendi. Yung iba ok lang naman, ilang pirasong ng kendi bawat bata OK na. Yung iba kinapos ng supply, maagang nagsarado ng pintuan.

Nakakapagod pala pag condo at building ang setup ng Trick or Treat. Dahil nga limitado ang elevator so mag hagdan ka pababa na parang fire drill lang.

Lahat syempre ng bata naka-costume. Me ibang bata na super handa. Me ibang naman simple lang (si Deylie at ang kanyang Knight/Yoda/Monk ay simple at practical para sa amin). Meron ding nagpapintura ng Spiderman, pero natutunaw na pintura dahil sa bawis at effort pagbaba ng hagdanan.

Konti lang ang namimigay na me costume. Idol ko si Kuyang naka-angry birds pillow kaya naman nung mamimigay na kame pumayag na rin ako mag maskara ng gorilya.

Maskara ng gorilya at mickey mouse t-shirt. Bagay di ba?

Me mga natakot na bata sa akin (kaya dapat mabait ako pag namimigay). Yung malalaki na bata naman eok lang. Me mga nagtatanong pa kung ano ang aking pangala (Gorilla Glass ang itawag mo sa akin). Pero mabenta kase me mga nagpapicture na para akong artista.

Masaya ba? Masaya kase kasama ko ang sila, ang aking pamilya.

Uulitin ko ba ito sa 2013? Bahala na. Nakakapagod kase yung pagbaba sa hagdan. Baka mamigay na lang ako ng kendi pero me kasamang costume at imporved acting na.
Abangan…