Perception.
Meron akong maling perception na ang mga salamin (o eyeglasses) ay para lang sa matatanda. As per family history, ang mga lolo, lola, tito at tito ko ang mga naalala kong notorious na nag-salamin. Wala naman yata sa aming magpipinsan ang bata pa lang e nakasalamin na. At yung mga lolo at lola ko hindi lang basta salamin ha, ang gamit yata nila e yung doble-vista na. Tapos me mga kalimot moments pa na na-misplace yung salamin at sa aming mga apo or pamangkin ang pinahahanap. Kaya ito talaga ang tumanim sa utak ko: ang salamin ay para sa matatanda.
Observations.
Bago pa man ang annual check-up, meron na akong mga obserbasyon pero hindi ito directly related sa mata. Kesyo pag maaraw at nag-da-drive ako eh nakakasilaw (glare). Minsan naman sa gabi parang masakit sa mata pag me biglang nag-bright ng headlights na nakasalubong. Meron din naman na me mga presentation sa office na kelangan ko lumapit sa me unahan, para mas klaro yung text sa ppt. Wala naman akong reklamo, casual lang na sabi ke Raven at mga officemates.
APE.
Pumasok ako ng maaga dahil sa APE (Annual Physical Exam or mas kilala rin na annual medical check-up). Kase nga naman nag-fasting ako (no food at no water for at least 8 hours) kaya nagpakuha na kaagad ng blood sample, pera pede na kumain afterwards. So checkup dito at checkup doon. At nung nandun na yung sa part ng check-up ng mata (yung papabasahin ka ng letters na paliit ng paliit), relax lang ako. Nahirapan ako sa pang anim na row yata. At nung pina-try sa akin sa kabilang mata, ganun pa rin, hirap pa rin sa row. Tinanong pa sa akin ng doktora kung puyat ako, syempre sabi ko oo. Pero ang sabi ng doktora "Sir, Try nyo ilagay ito" sabay abot sa isang lente. Wow! ayun sakto mas malinaw nga ang mga letters, minsan hanggan sa dulo pa. Ilan grado nyan Dok? 50 lang sir. Chi-neck sa APE form kung ilang taon na ako, at sinabing sir baka need nyo na mag-glasses. Tinanong ako kung sumasakit ulo ko, sabi ko hinde. Tinanong kung nag-dadrive ako, sabi ko, oo sabay sabi na minsan sa gabi mahirap lalo na pag me bright headlights. Nagbigay sya ng mga example na scenario tapos sabay tanong kung Ano pa daw ibang observation ko na related sa mata, sabi ko pag malayo ang presentation, need ko lumapit para klaro. At sabi pa nya, Sir dapat ingatan nyo yang mata nyo kase puhunan nyo yan sa work (reminder 1 reminder 2, etcetera). Recommended daw suotin yung salamin sa office at sa pagdrive. OK Fine! At inilagay na nya ang kanyang recommendation/findings sa APE form.
Denial.
Nung mga kasunod na araw pagkatapos ng APE nasa "Denial" stage ako. Kinokontra ko diagnosis ng doktor. Nakakainis. Kelangan ko na daw ng salamin. Matanda na ba ako?
Inaalala ko kung ano ba abusive behavior ko sa mata. Baka yung smartphone? kaya ayun nagdelete ako ng mga apps at games. Byebye games (chess, battle-city,angry birds series (orig, space, seasons), bad piggies atbp). Keep it to minimum apps lang. Baka yung PC. Ano mag uninstall na ba ako ng PC Games? Baka yung hindi ko pagkain in gulay at kalabasa nung bata pa ako? Kalabasa ok lang pero ampalaya at okra, double e, double u. Baka yung paghihilamos ko sa gabi pag pagod na mata? Baka yung paliligo sa gabi? Angdaming baka. Nakakainis!
Acceptance.
Pero pagkatapos ng ilang usap with Raven at ilang realizations, OK na. Tanggap ko na. Na need ko na ng salamin. Tanggap ko na na "matured" na ako at kelangan ko na ng salamin. Bakit si Raven nakasalamin na, ok lang naman sya. Naalala ko rin na yung mga ate at kuya ko nagsasalamin na rin. Lagot ka Spiderhammy, ikaw na next. haha. Part of maturity, acceptance. Me mga bagay ka na nde mo mapipigilan.
Anong next? Ang exciting part ng paghahanap ng salamin. Ilang malls rin nalibot namin. Marami-rami ring optical shop ang nabisita namin. At dahil nahihirapan akong tingnan sa salamin akung ano ang itsura ko pag nakasalamin, kukuha pa ng pic ko si Raven habang suot si salamin-candidate. Sabi na lang ni Raven, mahilig daw talaga ako sa "selfie". Hanap dito, hanap doon. At yun me nakita na. Nakakaexcite na kunin na kaagad. Now na. Pero di pala yung ganun. Di pala yun 1-day pickup. So binalikan namin yung type ko na salamin at yun nagpacheck-up na rin kase libre kasama. Sabi sa check up mixed daw na near-sightedness at astigmatism, ewan ko kung ganun talaga. Recommended na all-day use at nde lang pag nag-dra-drive. 50-75 daw grado, makukuha daw sa weekend. Ok hintay lang hanggang weekend.
Experience.
Nung mga unang araw nakakailang talaga. Pero sanayan lang naman pala. Sabi nga ng ibang pamangkin ko, para daw naka-Hi-Def pag nakasalamin. Oo nga naman Hi-Def nga, mas maganda, mas malinaw, mas smooth edges ng font hehe. Nakatuwa rin ang mga reaksyon ng mga kapamilya at kaopisina ko, pero supportive naman sila. Nakahanda na rin ako ng mga counter-hirit in case me mga hihirit pero ok lang manageable naman.
1-Month
Isang buwan na yung salamin last week. Ni-greet ko si Raven, sabi ko 1-month na kme ng salamin ko. Congrats daw. Minsan nakalimutan ko sya dalhin ng nag-drive ako ng gabi pero ok lang kaya pa naman. Minsan nakalimutan ko rin sya pero dahil long day sa office binalikan ko sa bahay, mahirap na.
Happy monthsary to my dear salamin! This post is for you!!!