Saturday, April 30, 2016

Ate


(This post was conceptualized April 26, 2016 on the exact date of her bday but given last week's schedule was tough, so I'm posting this on the last day of April, still her birthday month).

Si Ate na butihing maybahay ni Kuya. Si Ate na nakasama ko sa Maynila nung nag-aaral pa ako. Mabait. Magaling magluto, at malaking impluwensya sa pag introduce sa akin ng iba't ibang gulay at ulam lalo na yung galing sa Norte (hi pinakbet, hello papaitan!).

Unique din ang pangalan nya. Filipinas. Tapos marami sya nickname. Nandyan ang Fely, Pie, Arpee at Pye. At bigla ko pala naalala hanggang ngayon hindi ko pala natatanong sa kanya kung ano ba talaga ang kwento behind the name. Kelangan ko rin yata iconfirm sa kanya kung sobra ba talagang nationalistic sila Tatay Roger at Nanay Lourdes kaya yun ang name nya.

Isa sa mga hindi ko malilimutang kwento with Ate ay ganito: Nagsisimba kame tatlo nila Kuya. Sa Mount Carmel Church sa me Broadway, New Manila. Habang nagdadasal kme nakaluhod sa pew, napansin ko na napasandal sya sa akin, tapos pabigat ng pabigat yung pagkakasandal nya. Yun pala nahihilo na kase nga coming soon na pala si Yamski :)

2015 PH Visit
Group Pic with Ate Pye and the gang at Omakase


Dahil nga istrikto si Kuya (teka obvious naman nung dinetail ko sa previous post na ito di ba?) si Ate yung equalizer. Kung si Kuya yung masugid na disciplinarian na nagbabawal na kung anu-ano si Ate naman ay tahimik at relax lang. At kung kokonsulatahin mo sa mga bagay-bagay malumanay lang nya sasabihin sa yo yung opinion nya at hindi iimpose ang gusto nya. Madalas dadaanin ka pa nga reverse psychology. Later on ko lang na-realize na ganun pala strategy nilang mag asawa. Parang good cop/bad cop lang. Or give and take, bawal magalit ng sabay, bigayan lang. Very useful sa buhay mag-asawa.

Dati marami syang "points of view" na hindi ko mapagtanto kung bakit ganun (pero parang inaccept ko na lang). Pero nung kinasal na ako dun ko lang nainitindihan na "there is wisdom behind those points of view".

Salamat Ate. Sa mga words of wisdom at advice mo.

Happy Birthday sa yo Ate Pye!!!
God bless you and the your family!


Monday, April 11, 2016

Happy Birthday Raven!!!

They say a picture is worth a thousand words, so here are five thousand words to greet you a Happy Happy Birthday!!!

I

LOVE

YOU

VERY

MUCH

I promise that this will be a month-long (maybe even 2-month-long) birthday celebration!

Happy Birthday Moms!!!