Mga ilang araw na rin na inis at init na init na ako sa buhok ko!!! Ito yung tipong hairstyle ni Logan (aka Wolverine) na minash-up sa buhok ni Dr. Hank Mccoy (aka Beast/X-Men). Imagine-in mo na lang, sya yung tipong hairstyle hindi na sumusunod sa suklay at palaging magulo. Mas masaya sana kung Wakanda haircut level e (pang T'Challa (aka Black Panther) o M'Baku man lang) pero hindi eh. Tapos kase nga under lockdown pa rin, so bawal lumabas, walang barbero. Dahil nga ECQ pa, tiis tiis lang muna!
Ang solusyon: nagpabili ako online ng electric razor ke Raven (aka Maui). Hindi yung mahal na brand, yung ok ok lang ang presyo.Tapos siya na rin ang mag-gugupit sa akin :)
So Achievement Unlocked: ECQ Haircut on May 2, 2020
Before and After Haircut. ECQ Day 49. Photo edits via Befunky and Snapseed apps |
Special thanks to Raven! Panalo ang skill levels nya sa haircut and hairstyling. Iniisip ko pa kung mag-unboxing post ako para sa electric razor sa main blog, kase OK sya in my opinion, brand vs price vs quality. Alam nyo naman, me kasabihan tayo na: mag blog post blog post rin pag me time! :) hahaha!
Naka ECQ-status variant pa rin ang lungsod ko so baka may part 2 pa itong haircut post na ito. Abangan natin yan...
Mas dadalasan ko na rin ang pagpost dito sa Chartotem blog, promise! Hanggang sa susunod na blogpost!
-M
posted May 26, 2020