Day 1
Feb. 8. Andami palang tao sa NAIA Terminal 2 kapag Linggo. Sabi sa akin ng mga ground attendants ganito daw palagi pag Linggo kase maraming flights na papaalis. Me papunta Taiwan, China, Japan at kung saan saan pa. Lalo na daw sa Terminal 1, mas magulo at maraming tao pag Linggo.
Nag-stay rin ako sa Mabuhay Lounge. Syempre sulit-sulitin ang Mabuhay Miles Elite status, mag expire na ito this month. Na-delay yung dating nung eroplano so eto nagwireless sa lounge. Pa-twitter twitter, pasurf-surf, parang totoong blogger na ako. Hahaha!
Dumating sa Taipei, ok naman nde masyado malamig.
Ayos ang mga police patrol sa Taipei. Bimmer at Chedeng :) Anong sinabi ng Toyota Hilux ng San Juan!
Naghanap ng makakainan, ayun me Mo's Burger, kumain na kame dito ng mga kaopisina dati so ok na dito.
Day 2
Sabi ng ka-opisina ko Traditional Holiday daw ngayon dito pero me pasok sa opisina. Ang cute ng mga dekorasyon nila, me mga lanterns pa. Akala ko extension lang ito ng Chinese Lunar New Year Celebration. Hindi pala. Totoong Chinese Lantern Festival talaga. Pati yung google nila iba rin ang display image. Teka post ko dito pag nakuha ko na picture sa camera ko.
Umuwi ako mag-isa sa hotel. Patalo yung unang taxi na pinara ko, hindi marunong mag-english. Kahit kase meron na akong papel na me naka-print na pangalan ng hotel at address ng hotel (both english at chinese) eh ayaw pa rin. Sabi sa akin "Sorry No English". Mabuti na lang mabait yung pangalawang taxi driver.
Day 3?
Bukas naman pagod na ako mag-type:)
Itutuloy....