Nakapagbasa ako ng mga lumang post dito sa Chartotem at nabasa ko ang mga dota posts at na miss kong mag-filipino sa blog ?
Dahil summer na summer pa rin sa Maynila e lumabas kame ng bahay kahapon: Raven, Baroye, Magne at Draylee. Medyo kinakabahan ako ng una kase kaka-repair lang ng aircon ni charchar at baka bumigay ito pero OK naman ang byahe. Matagal tagal na rin kameng nde nakakapunta ni Raven sa Makati kaya napag-isipan naming sa Glorietta pumunta. Eto yata ang una kong punta ng Glorietta pagkatapos magkaroon ng explosion incident dati. Madaming nagbago dito sa Ayala, meron na pala Glorietta 5 :)
Kumain kame sa Sentro 1771 at aliw na aliw si Baroye sa butong pakwan. Ok naman ang pagkain, Fried Kesong Puti for appetizer at Sinigang na Corned Beef at Boneless Crispy Pata ang main dish. Pagkatapos ay nag-Timezone kame. Akala ko si Draylee ang mag-eenjoy sa lakad na ito pero mukhang si Baroye at Magne pag ang mas enjoy sa Timezone. Si Magne excited sa Dance Dance Revolution. Si Baroye naman sa basketball at ninja sword game. Iba na pala ang sistema sa Timezone, wala ng ticket na ilalabas yung machine parang nakastore na lang sa value card. Paperless, Ayus!
Pagkatapos ng TimeZone ay nagpalamig kame sa Fusion, with matching fruit smoothies, potato fries at nachos habang si Draylee ay knock out sa kanyang stroller. Naglibut-libot lang kame ng konti pagkatapos kase si Baroye ay naghahanap ng Neutral Grounds para sa kanyang 10-sided die at sila Magne at Raven naman ay naghahanap ng mga baby stuff ni Draylee. Enjoy kame kahit medyo nakakapagod. Sa uulitin :)