Me naassign sa akin libro na dapat basahin ko (or else... hehehe).
Aaminin ko. Tamad talaga ako magbasa ng libro. Ang exception dyan ay pag World of Warcraft novel yung libro, malamang gabi gabihin ko yan para matapos ako. O di naman kaya ay mga Greek at Roman Mythology books, yung kwento binabasa ko at hindi yung parang opera ang haba ng istorya ha. Yang mga mythology matitiis ko yang basahin religiously gabi gabi. Although may mga pailan-ilang akong libro na nabasa ko entuthiastically on my free time. Nadyan yung Moscow Rules ni Robert Moss and The Day of the Jackal ni Frederick Forsyth. Pero outliers yata yun kase tamad pa rin talaga ako in general sa pagbabasa.
At dahil nga sa bagong libro na ito at ang kasamang requirement (self imposed man o hindi) naisapan kong mag set ng oras mga 15-30mins per work day para magbasa. Sa ngayon nag eenjoy naman ako sa kanya dahil kagaya ng training na pina-atendan sa akin, sakto rin ang message nung librong Essentialism. Very timely ika nga.
Nag iisip ako kung mag book review ba ako dito. Pero wala sa plano yung chapter per chapter. Naalala ko lang bigla na dapat makapagsulat ako para sa aking blog tungkol sa libro na ito para in the future me ebidensya ako sa blog ko. Malay mo mapangiti rin ako nito in the future.
Sa ngayon good chapters yung Discern, Tradeoff at Escape. Maraming konsepto na magandang i-try.
Yun lang muna...
Hanggang sa susunod na blog post.