Tuesday, June 30, 2015

Kuya

(This post was conceptualized in 2014 when the Kuya visited Manila with the whole famille entourage. I'm posting it on his birthday month as a late birthday greetings post here in chartotem's blog)

Si Kuya na guardian ko nung  high school. Sya yung pumipirma sa report card ko dati pag 1st/2nd/3rd grading period. Si kuya na umaatend ng PTA meetings ko sa school. Si Kuya na nag-sermon nung una kang nag-overnight outside manila ng walang kapaa-paalam nung high school. Yung kuya tinataguan mo pag gusto mo mag basketball sa kanto pag gabi (ayaw na ayaw nya kase uuwi ka ng pawisang pawisan sa gabi, kaya dapat kakutsaba mo mga anak nya para iwas sermon ka). Yung Kuya na magaling mag-gitara, at bilib na bilib ka sa acoustic nya, mapa-Apo Hiking Society man o Rey Valera.

Bday 2014
Kuya with me and my other bros + his best friend
<note: I dont usually post personal pics here, but this one with some edits/filtering will be some sort of exception to the rule>

Sa kanya ko na-train yung "engineering" skills ko, yung magbaklas ng electric fan at mga appliances para linisin. Yung "carpentry" skills sa pagmamartilyo at minor repairs sa bahay. Magaling din sya sa "division of labor" (read: pala-utos). Madalas nag ro-rotate ang paglilinis ng banyo at inidoro sa aming magkapatid na bunso dahil sa kanya. Good pala ito, dahil ito yung mga skills na  ma-aappreciate mo pag tanda mo.

In a sense parang conventional yung kuya-kapatid relationship namin. I-expound ko siguro sa future post, pero alam mo yun the usual kuya-mas bunso relationship.

Namiss ko sya sobra nung nangibang bayan sya kasama ang kanyang pamilya. Pero salamat na lang sa Facebook kase dun kame ulit nagkita. Haha nasobrahan nga yata sa FB itong kuya na ito kase ngayon mas marami pa friends nya at likers kesa sa akin :)

Marami akong natutunan sa kanya nung nasa Pilipinas pa sya dati (high school at college days). Sa diskarte sa buhay, sa sports, sa kalakaran sa gobyerno.
At marami pa pala akong matutunan sa kanya sa kanyang pagbabalik sa Pinas noong nakaraang dalawang taon.

Wala na akong ibang maisip na sasabihin parang mapahaba ang blog post na ito. Kaya didiretsuhin ko na lang. Salamat Kuya, Saludo ako sa yo!




Happy Birthday Kuya Mylo!!!

God bless you!!!