Sunday, July 05, 2020

ECQ Day 106: Farmville at Harvest Time

June 28, 2020

Naaalala nyo ba na nung ECQ Day 27 ay naikwento ko ang aking mga tanim na gulay? Heto na sya ngayon:

Pechay nakatanim pa, ECQ Day 106

Naharvest na! ECQ Day 106


Ang ulam namin: Nilagang Baboy with Pechay, ECQ Day 107
Tunay nga po ang kasabihan na "Pag may itinanim ay may aanihin (at may pagkain tayong kakainin) ! Bow :)

-M

Late post on July 5, 2020

Monday, June 01, 2020

ECQ Day 79: PPE Kit for Ate

June 1, 2020

Yehey! Dumating na ang PPE kit/PPE Care Package para kay Ate Cielo!!!


Masayang masaya ang Ate ko kanina nung binabalita sa akin sa FB messenger.  Masaya rin ako at nakarating na ito sa Quezon Province kase alam ko mahirap pa ang mga padala-padala papuntang probinsya.

Ate, take extra care and always be safe dyan sa ospital.

Salamat sa Trend Micro Pilipinas at sa lahat ng mga taong tumulong para maipadala ito sa mga kapamilya naming mga Trenders!

Try ko pag magpost ng actual pic ng PPE pag nakuha ko na ibang pics.

Hanggang sa susunod na post! :)

-M







Tuesday, May 26, 2020

ECQ Day 49: Achievement Unlocked

May 2, 2020

Mga ilang araw na rin na inis at init na init na ako sa buhok ko!!! Ito yung tipong hairstyle ni Logan (aka Wolverine) na minash-up sa buhok ni Dr. Hank Mccoy (aka Beast/X-Men). Imagine-in mo na lang, sya yung tipong hairstyle hindi na sumusunod sa suklay at palaging magulo. Mas masaya sana kung Wakanda haircut level e (pang T'Challa (aka Black Panther) o M'Baku man lang) pero hindi eh. Tapos kase nga under lockdown pa rin, so bawal lumabas, walang barbero. Dahil nga ECQ pa,  tiis tiis lang muna!

Ang solusyon: nagpabili ako online ng electric razor ke Raven (aka Maui). Hindi yung mahal na brand, yung ok ok lang ang presyo.Tapos siya na rin ang mag-gugupit sa akin :)

So Achievement Unlocked: ECQ Haircut on May 2, 2020


Before and After Haircut. ECQ Day 49.
Photo edits via Befunky and Snapseed apps


Special thanks to Raven! Panalo ang skill levels nya sa haircut and hairstyling. Iniisip ko pa kung mag-unboxing post ako para sa electric razor sa main blog, kase OK sya in my opinion, brand vs price vs quality. Alam nyo naman, me kasabihan tayo na: mag blog post blog post rin pag me time! :) hahaha!

Naka ECQ-status variant pa rin ang lungsod ko so baka may part 2 pa itong haircut post na ito. Abangan natin yan...

Mas dadalasan ko na rin ang pagpost dito sa Chartotem blog, promise! Hanggang sa susunod na blogpost!

-M
posted May 26, 2020


Wednesday, April 29, 2020

ECQ Day 46: Sore Throat



Got bad case sore throat  And this really a bad case as it comes with headache 😟
This is the kind of sore throat that I feel when my tonsils are inflamed. But this cannot be tonsillitis na, because I've undergone tonsillectomy several years ago 😁

Solution: gargled warm water with salt, NO cold water and other cold drinks muna. Cut off coffee too 🙁 Tsaa tsaa lang rin pag me time 😁

Seriously, I refrained from all sweets and cold for the mean time as some precautionary measures. Drank meds for the headache too and rest from my usual work-from-home by sleeping. Since I have to report all related health issues as part of my companies WFH initiative, I reported sa internal website/tracker namin, but stressed that I have no coughs, no colds, no fever.

Paranoid...

Nakakapraning!

But good thing I was feeling better during the night na...

-M

Wednesday, April 22, 2020

Ang Covid19, ECQ at Work-from-Home, Bow!

Kakaibang experience ang dulot nitong covid-19 na ito kaya nagdecide ako na magpost tungkol sa Covid19, Enhanced Community Quarantine (ECQ) and work-from-home (WFH) experience ko ( at namin na rin siguro) dito sa Chartotem's Blog.

Since ECQ Day 28 na ngayon, mag backdate na lang ako ng mga post ko at ang plano eh with pictures sya. Kapag may maayos na topic flow baka pede ko sya ifeature sa main blog pero secondary na lang yun.

Simulan na natin...
Ang aking mga bagong halaman at gulay

my seedbed with petchay taken ECQ Day 27

the petchay plant tranfered to the hanging plastic pot taken ECQ Day 27
Isa sa mga i-backdated post ko ay nung seeds pa lang sya.

Syempre papasikatin ko yan pag harvest time na! Wish me and Raven and our plants good luck :)

Stay safe and healthy!

-M

Update on May 26:
Yehey! Meron na ibang ECQ related posts ECQ Day 46 at ECQ Day 49 Achievement Unlocked







Tuesday, March 03, 2020

Happy Birthday Mama!

Today is my Mama's Birthday!!!

I'd like to be with her on this special day in the province but I will do some shoutout and birthday greetz here now (and  babawi na lang next month pag-uwi ko ng Quezon).

So in the tradition of my free six video and free six greetings, here are my birthday messages for my Mama Cellie!

You are the person that I can always count on for support, good advice, or a shoulder to lean on. I love you so much, Mama. Happy Birthday!!!
Mama with the fam in Misibis 2015 


On this special day, I’d like you to know that without you, I would be nothing. With you by my side, I have discovered the best in me. Thank you and happy birthday Ma!!!

To my mom on her birthday: Thank you for bringing me into the world and for caring for me all my life. Have a wonderful day and a joyous year ahead!

Being a mother is one of the hardest and most important jobs in the world. I am so grateful to have you as mine. I love you, Mama. Have a wonderful birthday!

With a loving heart and a warm embrace, I send my birthday wishes to the best mother in the world!

Happy Birthday, Mama. If you didn’t have a birthday, then neither would I. Have a great day. I love you so much. Hugs and kisses. From Maui and me :)

Sending some link love to this site, for these wonderful birthday greetings text.