Tuesday, July 04, 2023

PokemonGO

Naglevel up ako sa PokemonGO nung weekend. Pero parang wala lang 🙍 :-(

Nawala na kase excitement sa larong ito. Maraming factors. Una yung remote raid changes. Next yung pag alis ng mga changes at perks na nilagay nila dahil sa pandemic. More details on this sa Niantic Hear us link. Wala na rin yung raid xcite factor, yung excited ka mag-raid pag weekly raid kasama mo mga friends at officemates mo pag Wednesday. 

Sa totoo lang, ang isa sa dahilan ng hindi ko pa pag uninstall nito ay yung pag-remote raid namin ng kapatid ko, ako nasa Maynila, siya nasa probinsya, at isa itong good bonding experience for me. Excited rin kme mag-lucky trade pag umuuwi ako probinsya pag bakasyon. Nakakatuwa rin na isipin dahil dito sa laro na ito natuto ako mag youtube video upload at mga basic youtube channel management skills, pati na rin yung mag-maintain ng isang alt account sa social media na ang focus ay game lang (mainly pokemon go tapos pag ibang game pede rin pailan ilan tweet)

Sa ngayon, steady lang. Carry lang na hindi kumuha ng isang pokemon go gym na malapit sa office pag RTO ako. Pero kuha kuha rin ng gym sa weekend pag kaya. 

Pwede pa rin kase mag-mash up at i-align sa health activities in the future .So pag ganun baka pede pa rin ibalik ang sigla sa PokemonGO kahit pahirapan na ang exp para sa next level (need 27M exp e).

Wish me luck sa PokemonGO at better health journey ko :-)