September 23, 2006. Naka-sick leave si cb at pututoy. Si blitz naman ay nasa New York, umatend ng InterOp. Kaya si radars and kumompleto sa lineup namin.
Ang Master Feeders (MF) ay may 2-1 win-loss card. Talo kase kame ng Housemates.GEN pero bumawi naman kame versus Konoha Leavers at Master Betas nung isang lingo. Ang Flaming Throne (FT) naman ay wala pang panalo. Tinapos ng Housemates ang laban nila with Flaming Throne last week in 26 minutes (mahangin talaga ang Housemates :-D j.k.).
Panalo sa toss-coin ang Flaming Throne kaya sila ang pipili kung Sentinels or Scourge ang gagamitin nila. Nung una sabi nila mag Sentinel daw sila pero nung may AV na nag-comment na "Ano (comment directed to MF Team) Scourge na naman kayo???” nagbago ang isip ng Flaming Throne kaya Scourge na lang daw sila.
Lineup ng Master Feeder:
elmo = Treant
adicto = Silencer
3nigm4 = Jakiro
radars = Rylai (CM)
makonat = Rhasta
Lineup ng Flaming Throne: (nde ko kabisado, pero pag nakuha ko na replays ke Orobos, edit ko itong blog.)
Early game: mid ako (Rhasta) kasama si Silencer. After some minutes na-First blood si Jakiro, at nasundan pa ito ng isang death ni Rylai :-( . Medyo mapusok kase sila Jakiro at Rylai, tapos medyo nde pa kabisado ni Radars yung teamplay ng MF since ito yung first game nya sa tournament.
Early game eh lamang sa kills ang FT. Pero humabol ang MF sa mid-game. Nung una medyo kinabahan ako kase over-confident yata yung team. Pero nung sama-sama na kaming lima sa isang lane, OK ang push namin. Ang maiwan sa FT ay malamang GB na, madalas ay ma-frostbite ni Rylai or ma-shackles ni Rhasta, then focus fire na yung ng grupo :-) .
Our mid-game push was not matched by FT. Part of the strategy of MF: hindi maging masyadong mapusok. Kase hawak naman namin ang oras saka lamang kame sa push ng towers. We made 1 final push before the 60th minute mark. Coordinated ang pagcast ng Mekansm, at natapos ang laro bago mag-isang oras.
GG. The FT guys shook hands with the MF.
3-1 na ang win-loss card ng MF. Advance yata kame sa semis. Good game guys at good luck sa mga susunod pang games...