Today. 12:45 PM. Pagdating ko sa Station 168, 3 pa lang kame sa Team. Ako si pututoy at si cb. Tinawagan ko na si 3nigm4 at sabi nya si adicto daw ay kakagising pa lang at on the way na. Si elmo daw ay hindi nya makontak. 1PM ang game kaya papunta na rin daw si 3nigm4 sa 168.
Dumating na rin si adicto sa 168. Halatang bagong gising, hehehe. Dumating na rin si 3nigm4. Tinawag ko sila para makapagmeeting muna kame bago ang game. Kinuwento ko ang mga napanood kong game replays ng AW. "2-1 ang AW, 1 win 1 loss sila using Scourge, 1 win sila sa Sentinels, me combo sila sa sentinels, venge-swap, luna-moon beam tapos GB na yung na-swap. Pag scourge sila individual game nila pero may malalakas lalo na yung int nila (Lich at Zeus), so my advice is Sentinels tayo pag panalo sa toss coin". Wala pa talaga si elmo baka nag-oktoberfest sa eastwood kagabi :). Wala ang "director" namin, si elmo kase magaling mag-direct at mag-lead, pero kompleto naman kase nandito si cb, ang monster-killer ng team, present din pututoy at adicto, mga de-kalibreng DOTA players ito. Kami ni 3nigm4 ang weakest link ng MF.
Nakipag-toss coin na si pututoy, tails. Sentinels daw sila. OK lang scourge. Ang lineup namin:
Master Feeders (MF)
cb = Razor
pututoy = Tidehunter
adicto = Venomancer
3nigm4 = Krobelus
makonat = SandKing
Ancient Warlords (AW)
Rhasta
Venge
Treant
Luna
Syllabear
Kasama ko sa mid lane si krobelus. Solo si rhasta sa mid, pero napansin ko na sya yung top killer ng AW. So hindi kame naging mapusok ni krob sa mid. Cheap shots lang ako at last hit, tapos ganun din si Krob. Masakit pala talaga sa kalaban ang Forked Lightning ni Rhasta. Favorite ko yun pag Rhasta ako, at mapapauwi mo pala talaga kalaban :), mabuti na lang at me baon ako 2 flasks. Magaling si Rhasta, pero mas magaling yata mga teammates ko dahil early game e kami ang naka-first blood tapos nasundan pa itong ng 2~3 kills. Maganda rin ang combo namin ni krobellus nung me ulti na ako: Stun ni SK, silence ni krob tapos epicenter ko = dead rhasta :)
Pero me twist sa early game. Nagpush sa mid ang AW at nde namin nadefend ang 2 towers sa mid lane. Medyo nakakakaba lang, pero me isang push sila sa mid tapos napatay namin ang tatlo o apat sa kanila tapos nagcounter push kame at na-equalize namin yung lost towers sa mid. At the same time ang lakas mag-push si Razor. Pero syempre me risk yun: GB. Naging feeder nga si cb ng konti, pero oks lang naka-radiance naman sya tapos nakakapag-push kame sa ibang lane.
Mid game napatunayan na naman ang team chemistry namin. Alaga sa Meka at syempre sama-sama sa lane. Ang hirap nga lang ma-ngreeps kase pagka-burrow ko at caustic finale, mag spam naman ng carrion wave si krob, kawawa si Tidehunter walang natirang gold sa kanya :). Malakas yung baby bear si Syllabear, mabuti na lang at naalala ni cb na gamitin ang mga euls namin. Bilib din ako ke krob, ang galing mag-moo-moo tapos naka-triple kill pa yata :)
End game, medyo sunulit yata namin yung game kase mga 77 minutes natapos. Top hero pa rin si cb, 2nd si 3nigm4, 3rd yata adicto, 5th yata ako. Si syllabear lang nakapasok na AW sa top 5 hero as 3rd.
Overall ok naman ang game, exciting sya saka nde ako masyadong feeder.
Good games guys! Good luck sa next game sa Wednesday!