Kwento ko lang ang weekend ko. Kakaibang weekend ito dahil sa dalawang bagay...
Una si Milenyo. Sya ang bagyong sumalanta sa Luzon nung Huwebes (Sept. 28, 2006). Pareho ang ruta nya nung bagyong Rosing nung 90's. Walang kuryente sa amin simula huwebes ng tanghali hanggang sabado ng gabi. Sa Quezon province mga dalawang linggo pa daw bago maibalik ang kuryente. Sa ilang parte ng Laguna, wala pa rin yatang kuryente. Walang pasok ng Huwebes dahil na-predict ng maayos ng PAGASA ang impact ng bagyo. Alam kong malaki ang pinsala ng bagyo base sa mga naririnig ko sa radyo, pero nagulat ako nung pumasok ako ng opisina ng biyernes, ang dami talagang natumbang puno, poste ng Meralco, at mga billboards. At nung magkaroon na ng kuryente ay mas nakakagimbal ang mga mapapanood mo sa TV. Nagpapasalamat ako ke Lord ako dahil nasa mabuting kalagayang ang aming pamilya, kamag-anak at mga kaibigan.
Pangalawang dahilan kung bakit kakaiba ang weekend ko: si Maxi. Dahil nga brown-out nung sabado ng gabi, naisipan na lang namin na mag-mall sa MOA (sosi ba? yan daw ang tawag sa SM. Mall of Asia). At ang isa sa mga pambihirang pangyayari ey mapanood mo ako ng tagalog Film. Hindi naman sa pagiging coño o kaya pagiging hindi makabayan, pero harapin natin ang katotohanan na andaming basurang pelikulang pinoy na ipinapalabas. Pero kakaiba itong napanood namin: Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Oo nanood ako nun. Indi film daw ito sabi ni Raven. Kahit na ilang beses akong napa-mura (oo malutong na p.i. at mga shortcut nito) OK naman ang review ko sa movie na to. Madalas nga ay itong mga ganitong independent films yung me kwenta. Hindi ko na muna ikukuwento kung me mga 'bias' ako on the subject nung movie, ang mahalaga ay nag-enjoy naman ako (sulit bayad ika nga) at pag-uwi namin ay... may ilaw na.