Thursday, September 10, 2015

Happy Birthday Ate!

I want to greet my lovely sister on her special day but the six birthday quotes idea was done so I need to be extra creative with this blog post.

Ito ang good side at down side ng magkasunod ang birthday ng mga kapatid mo. Good side e hindi mo makakalimutan ang birthday nilang pareho. Down side e pag me regalo ka sa isa, dapat me regalo ka rin sa isa, kase magkakainggitan :-). Pero meron bright side for me, kase nde ako nagreregalo sa mga kapatid ko pag birthday so patas lang sila palagi.

Ano bang special na natatandaan ko sa Ate ko na magandang ishare sa birthday nya?

Una, Sharp Eyes.  Sa tagalog, malinaw ang mata, kase mahilig daw sya kumain ng kalabasa (at tsesa?). Eto yung Ate ko na pinaka malinaw ang mata sa magkakapatid, very good in spotting details, good sense of direction pag nagta-travel nde kayo maliligaw.

Next si Phoebe Cates. Favorite nya si Phoebe Cates dati at nung bata pa ako e me mga poster pa yan ng Paradise star sa room nya. In fairness, medyo kahawig sya ni Phoebe Cates... lalo na nung bata pa sya :)

Next, On being a gentleman. Siya ang ate ko ang nagturo (at nag-instill sa utak ko) na pag maglalakad ka kasama ng friends mong babae (either special someone or otherwise) eh dapat daw dun ka sa "danger side" kase lalaki ka. Example: dun ka sa side ng sidewalk na dinadaan ng sasakyan, para pag mababangga una ka hehehe). Palagi mo daw poprotektahan mag babae, yun daw yung pagiging gentleman. Sa tingin ko this advise served me well lalo na nung nagbibinata na ako :) .

"OK lang ang mga kalyo sa kamay". Let me explain. Nung bata pa kme, nakiki-holding hands yan sa akin, at magkokomento yan na dapat daw sa lalaki e hindi smooth ang kamay. OK lang daw yung me kalyo sa kamay kase ibig sabihin nun yung lalaki e sanay sa hirap at sanay sa mga gawaing bahay (at nde Mama's boy at sobrang umaasa sa magulang or katulong). At dahil nga na-train ang engineering/electrician/carpentry skills sa kuya na panganay, sa tingin ko good and lasting ang advise na yon sa akin at nadala ko sa aking paglaki.

Baka madami pa ako masulat sa susunod, pero me time pressure today kase dapat ma-ipost ko ito ng September 10 para sakto sa birthday nya.

So some birthday greetings (researched and edited) especially for you Ate Lani:
"If our kooky family were represented by cookies, you my kooky sister would be the chocolate chip. Why? Because you are so sweet! (Kaya nga Suetlani di ba?) 
Happy Birthday, Sis!!!"

I wish you good health and abundant blessings!


Tayabas 2012
Me,Ate and Cian, Swim/bonding time after Papa/Mama Golden Wedding Anniv 
<note: I don't usually post personal pics here, but another sort of exception to the rule for my sis>

Happy Birthday Ate Lani!!!
God bless you!!!