This is my first CD Review here at Chartotem's Blog. Quite delayed since the album was out around 9~10 months already. Bakit ba? Walang pakialamanan, blog ko to kaya kahit delayed ok lang, hehehe!
Seriously, tagal ko ng plan ito dahil fan rin naman ako ng Eraserheads. Tapos last month nag-materialize na ang blog na ito, kaya po ang mga wishlist ko eh tinutupad ko. Eto na sya:
6 Cycle Mind - Alapaap. A fresh opening track. Good setup tempo.
Paolo Santos - Magasin. Magasin was one of my favorite Eheads song. I remember singing it during my college days, especially during Micro's Bidding at Fort S. Paolo Santos remake was cool. I'm not an avid Paolo Santos Fan (Raven is :) ) I appreciated his remake.
Imago - Spoliarium. Dati nde ko alam ang tono nitong kanta na ito, ang alam ko lang me kanta ang eheads na Spolarium. OK naman ang remake ng Imago at least ngayon alam ko na ito pala yun.
Barbie Almabis - Overdrive. The usual Barbie tone, parang nakakatamad pakinggan. Mas gusto ko yata yung mga original song ni Barbie o di kaya ibang kanta na lang ang remake nila.
South Border - With A Smile. Walang kabuhay-buhay! Parang out of place itong south border dito. Isa ito sa mga tracks na pag play ko sa CD itong eheadsjam, fast-forward ko sya sa next track.
SugarFree - Tikman. Another fresh remake. Me mga naririnig akong bagong kanta nitong Sugarfree at OK naman pala sila. Good drums.
Kitchie Nadal - Ligaya. Hindi bagay ke Kitchie yung kanta. "Ilang ahit pa ba ang aahitin" halatang kahit si Kitchie eh natawa nung sya kumanta nito. I'm a Kitchie fan but I am not happy with the song-artist combo.
Isha - Torpedo. Another mismatched song-artist combo. Saka sino ulet ito Isha? Sorry nawala yata ako sa sirkulasyon pero talagang ito yata ang first time na narinig ko itong banda na to. Sorry thumbs down.
FrancisM - Superproxy 2K6. Good thing after Kitchie and Isha, bumawi naman ang Master Rapper. Cool talaga FrancisM, kahit matanda na sya, ok pa rin mag-rap, nde corny. OK rin daw video nito sabi ni Ujinn, pero nde ko pa naabutan sa TV, ala ako TV-life lately e. Natuwa rin ako sa mods ng lyrics from "i-dial lang ang telepono" to "isaksak lang ang modem nyo". Cool!
Orange and Lemons - Huwag Kang Matakot. One of my top tracks dito sa Album. Akala ko ang Orange and Lemons ay pang PBB lang, pero nabago ang tingin ko sa kanila dahil dito sa remake na ito. Ang sarap i-mix nitong track na ito sa "plagiarized" daw na PBB theme nila (Pinoy Ako).
Spongecola - Pare Ko. WTF! @#$@#%!!! Isa pa naman sa paborito kong kanta ng Eheads and Pare ko, pero parang binaboy naman ng Spongecola yung kanta. Ang pangit ng remake nila, parang me sipon pa lead vocals nila. Kaya boycott sa akin itong band na to.
M.Y.M.P. - Huwag Mo Nang Itanong. Another mismatched song-artist combo. Gusto ko MYMP pero parang boring pagkaka-remake nila dito.
Cueshe - Hard To Believe. Another @#$@#%!!! Saka hindi naman sikat itong kanta na ito, bakit kaya ni-remake ng Cueshe? Sana iba na lang kanta, saka sana ibang band na lang... hehehe!
Radioactive Sago Project - Alcohol. THE BEST!!! Ito yung remake na pagkatapos mo mapakinggan eh makakalimutan mo kung paano kinanta ng Eheads yung orig. Hindi masyadong sikat ang Alcohol dati pero etong remake ang dahilan kung bakit nasa Top 10 list ko na yung alcohol sa all-time favorite eheads song ko. Ang lulutong magbitaw ng lyrics! Cool talaga Radioactive Sago!!!
Brownman Revival - Maling Akala. One of the early revival songs na lumabas way ahead of the compilation album. Maganda ang diskarte ng band dito sa song. OK rin yung video. Maganda rin kase me participation ni Ely sa dulo. Thumbs up!
Rico J. Puno - Ang Huling El Bimbo. One of the surprise remake. Paborito yata ng Eheads si Rico J kaya sya ang ni-request na mag-remake ng isang song(?). Nakaaliw din kase classic Rico J pero Eheads lyrics. Another thumbs up!
Para Sa Masa. Various artist ito. at good ending track song. Thumbs up!
Overall: 4/5.
Good CD. Lalo na para sa mga nasa "age-bracket" ko. OPM ito kaya dapat tangkilikin. Don't buy PIRATED CD!!!
Marami pang kanta Eheads na wala sa compilation album na to. Ewan ko kung anong nangyari. But here's my personal wish list:
1. Sembreak
2. Kailan
3. Fine Time
4. Kamasupra
5. Hey Jay
6. Wishing Wells
7. Back 2 me
8. Toyang
9. Shirley
10. Julie Tearjerky
11. Tindahan ni Aling Nena
Sana nga ay meron pang part 2...