Showing posts with label eheads. Show all posts
Showing posts with label eheads. Show all posts

Saturday, July 31, 2010

Wasak Waltz

This song is on my playlist (iPod, laptop and phone). I really love the song not just that its because it is sung by Ely and Francis M. It really reminds me of the old eheads song about friendship, moments, childhood memories and drinking sprees (Pare Ko, Minsan and Sembreak). I think the "wasak" term really means "wagas", but as wagas sounds too cheesy and pang-oldie song na, wasak may be a better fit.

Wasak Waltz

Eto na naman
Panahon ng tag-ulan
Di maiiwasan sa buhay nino man
Tulad mo rin ako
Isang pulo sa dagat
Na walang hanggan
Naghahanap ng masisilungan

Sa dinami-dami ng lugar
Ay dito pa nagkita
Gaano nga ba katagal
Ako’y tumatanda na

Pagkakataong tulad nito
Di dapat pinapalampas
Sabay nating harapin
Ang pag-asa ng bukas

Itaas ang kamay
At iwagayway
Masarap mabuhay
Itaob na ang tagay

Saan ka man pumunta
Meron man o wala
Diyan nagsisimula
Ang wasak na pagsasamahan

Pagkakataong tulad nito
Di dapat pinapalampas
Sa sakit na dinadala
Isa lang ang ating lunas
 ***
Wasak Waltz Lyrics courtesy of menardconnect.com
Wasak Waltz is the 8th Track of the In Love and War Album of Francis Magalona and Ely Buendia

Saturday, October 10, 2009

While waiting for In Love and War

In Love and War. ILAW. Dating Sickos Project. Collab ng mga idol ko: Francis M at Ely Buendia. Inaabangan ko pero eto pa rin ako nasasabik pa rin :).

Sabi ni Ely sa twitter nya:
elybuendia9000: Francis Magalona/Ely Buendia project final title: IN LOVE AND WAR. Release date: October 5, 2009 8:02 PM

Pero syempre dumating si Ondoy at nag-update si Ely
elybuendia9000: In Love and War was supposed to come out today but Ondoy had other plans. Expect the album later this month
So konting hintay na lang...
At Habang naghihintay eto yung lyrics ng isa pa nilang collab: Super Proxy 2K6
Sawa ka na ba sa mga hassle sa buhay mo
Ayaw mo na bang mag-isip para sa sarili
Tinatamad ka ng bumyahe
Ang gusto mo’y nakahiga na lang
Napapagod ka na ba sa kayayakap sa asawa mo

(refrain)
Ito ang kailangan mo
I-dial lang ang telepono

(chorus)
Hindi na dapat maghirap
Sa iisang iglap ang buhay ay sasarap
Wag nang mag-atubili kumuha ng
Superproxy

Ako ay kaibigan na lagi mong maasahan
Umulan man o umaraw ay nariyan kapag kailangan
Ito ay special offer sa mga taong katulad mo
Gamitin ang iyong bulsa para guminhawa

(refrain2)
Ako ang kailangan mo
Isaksak na ang modem nyo

(chorus)
Ako ang bahala sa ‘yo
Ang buhay mo ay buhay ko

(chorus)
Superproxy

(rap)
(FM)
Come and take a sip from the cup as the drink makes you think
Don’t blink ‘coz you’ll be taken out by the pen and ink
Superproxy, why don’t y’all just talk to me
My rhyme be stickin to ya head like epoxy
This is how it should be done, ‘coz this rhyme is identical to none
3 Stars and a sun in one sky so high, one-nine-nine-five until we die
We on a mission to surf and ride the waves all the way to cyberspace we gonna stay
We on a mission to surf and ride the waves all the way to cyberspace uhh

(EB)
And so it was without a fuss we kill the buzz
Surrounding this delusional, irrational thing we call massive entertainment
Time to return the favor kick out the jams with the freeman flavor
Take it from survivor, the search is over
I’ve found the best forget the rest
Erase it, replace it but never duplicate it
‘Cause institutions are boring there’s no substitute for the real thing

(all)
There’s no substitute for the REAL THING
There’s no substitute for the REAL
Mag-update ako dito or abangan nyo na lang dito

Tuesday, March 24, 2009

Insomnya

Agahan ko sa hapon,
Tanghalian sa gabi,
Hapunan sa madaling-araw
Insomya.....

I promised Raven that I will research for the lyrics of this song played on the first set of the Eraserheads Concert 2009. If I remember it correctly, it was the 1oth song, vocals by Raymund. Nice song :)

Insomya
Eraserheads

Paggising ko sa hapon
Diretso na sa banyo
Haharap sa salamin, shet
Kamukha ko na ang syota mo
Dehins na lang maliligo
Wala rin lang tulo
Sisilip sa ref, naghahanap,
Naghahanap, naghahanap

(Chorus)
Agahan ko sa hapon,
Tanghalian sa gabi,
Hapunan sa madaling-araw
Insomya (4x)

Pagdating ng hatinggabi
Magbabasa na ng diyaryo
Manunood sa TV
Ng kung anu-ano-ano
Pagdating ng ala-una
Pahinga naman muna
Makikinig sa radyo
Sa AM, sa FM, at SW

(Chorus)

Pagsapit ng alas tres,
Kalam na ang sikmura
Punta ako sa 7-11 ingat lang sa pigs
CR muna sa Wendy's,
Score na rin ng gin
Wala nang trapik
Andami-dami-dami-daming adik!
Alas sais na ng umaga
Hindi pa rin inaantok.
Nakagat ko nang lahat ng lamok,
Hindi pa rin inaantok
Ubos na rin ang gin,
Ang ganja,
Ang sigarilyo
Ubos nang lahat ng bisyo
Gising nang kapitbahay ko

Agahan ko sa hapon,
Tanghalian sa gabi,
Hapunan sa madaling-araw
Insomya (8x)

Saturday, March 14, 2009

March 7: Eraserheads Reunion Concert 2009 etc.

Last week, Raven and I went to Mall of Asia to watch what??? Eraserheads Concert 2009 of course.



We parked inside the mall, and behold: SM Mall of Asia have installed a hi-tech infra-red activated parking light indicator. We knew that the concert may take long so we took some snacks at El Pollo Loco (not a good experience). We then went to the concert grounds and met some friends.

The list of songs played courtesy of Eraserheads Reunion Concert 2009 The Final Set post from menardconnect.

1st Set
1. Magasin*
2. Walang Nagbago
3. Maling Akala*
4. Maskara
5. Poorman’s Grave*
6. Waiting for the Bus
7. Huwag mo ng Itanong
8. Slo Mo
9. Alkohol*
10. Insomnya
11. Torpedo

2nd Set
12. Julie Tearjerky
13. Tikman
14. Wishing Wells*
15. Fine Time*
16. Pare Ko*
17. Kailan (Piano Version)
18. Back2Me*
19. Trip to Jerusalem
20. Spoliarium*
21. Overdrive*
22. Super Proxy*
23. Minsan
24. Alapaap
25. Kaleidoscope World
26. Ang Huling El Bimbo*

Bonus Track: “3 for the Road”
27. Ligaya
28. Sembreak*
29. Toyang

* part of my wish/guess list of songs to be played

This 2nd concert is definitely better than the first one. The guys feel more relaxed and they played it cool (no pressure).

More on this concert details kindly visit Eraserheads Concert 2009 experience

Watching the concert is really fun. Sulit na Sulit! It's like we won the Philippine Lotto jackpot prize.

We can't wait for the Concert CD and DVD :) I'll post details on this as soon as I get them!

Wednesday, January 21, 2009

Eheads Reunion Concert Part 2 Tickets

Nagpost na ng presyo ng tickets para sa Eraserheads Reunion Concert 2009. Eto na daw yung Final Set, pero sabi ng banda, hindi daw ito continuation ng unang concert nila nung 2008. Totally Different daw.

Available na ang mga tickets sa Ticketworld.

Ticket Prices:

VIP = 5000 Pesos
GOLD = 3000 Pesos
SILVER = 1300 Pesos
BRONZE = 300 Pesos

Medyo mahal compared sa unang concert nila nung 2008. Pero kung fan ka talaga eh gagawa ka ng paraan.

Ika nga nila e:

Kung gusto me paraan.

Kung ayaw me dahilan.

Marami ang namamatay sa Maling Akala.

Maliit na butas lumalaki. Konting gusot, dumadami.

Teka iba na yata yun. Kanta na yun ng Eheads ah.

Correction sa mga newbie dyan. Eheads yan mga Hijo. Revive lang ng Brownman Revival. Okies?

Kitakits sa SM Mall of Asia. March 7, 2009 8PM.


Wednesday, January 14, 2009

Kailan

This is the 9th song that the Eraserheads played on their Reunion Concert last August 30, 2008.

Kailan
Eraserheads


Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway

Refrain:
Kailan ko madaramdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanong ko ang mga bituin
Mga luhang humahalik
Sa aking pisngi

Kailan ako tatahan
Higpit ng yakap ng dibdib
Nakatingin ako sa salamin
May guhit sa noo
Mapait ang ngiti

(Repeat Refrain)

Kailan ko masisilayan
Sa araw-araw aking mahal
Mula paggising
Hanggang sa pag-idlip
Kagandahan moy walang patid

Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway

(Repeat Refrain)

Kailan ako lalaya
Sa anino ng pag-iisa
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw

Kailan??? March 7, 2009 The Eraserheads Reunion Concert Part 2 , Final Set.
Kitakits :)

Saturday, January 10, 2009

Eheads Reunion Concert Part 2 on March 7, 2009

Woooooohooo!

Sa wakas! Natupad na wish ko sa wishing wells, mag-uunahan na naman kame sa pagbili ng ticket sa Tindahan ni Aleng Nena pero nde na kame maghihintay ng Sembreak, simula pa lang ng marso yun eh!

Matutuloy na ang Eheads Reunion Concert Part 2 on March 7, 2009.

para sa karagdagang ulat, bisitahin ang Eraserheads Reunion Concert 2009 Part 2

Eraserheads Reunion Concert now in DVD

Yehey! Magkakaroon na daw ng Ehead Runion Concert DVD. Oo, dibidi na yung Eheads Reunion Concert!

Syempre unahan tayo sa Tindahan ni Aleng Nena para bumili nito!!!

Sana me Part 2 pa talaga yung Eheads Reunion Concert sa 2009.

Thursday, September 04, 2008

Sembreak!

I'm posting this as a follow up post to my Eheads Reunion Topic

Sembreak was part of the soundcheck Eheads did for their Reunion concert. It was also the 3rd song played for the 1st and only set.

Sabi nga nila... rock and roll buong taon :)

dear kim kamustang bakasyon mo
ako heto pa rin nababato
bad trip talaga tong Meralco
bakit brownout pa rin dito

walang silbi sa bahay
kundi bumabad sa telepono
o kaya'y kasama ng buong barkada
nakatambay sa may kanto

chorus
naalala kita pag umuulan Sembreak
naalala kita pag giniginaw Sembreak
naalala kita pag kakain na Sembreak
naalala kita ilang bukas pa ba
bago tayo ay magkita
ako'y naiinip na
bawa't oras binibilang
sabik na masilayan ka

sira pa rin ang bisikleta
may gas wala namang kotse
naghihintay ng ulan
basketball sa banyo
sana ay may pasok na
para at least meron na kong baon
cutting classes dating raket
rock and roll buong taon

chorus

walang kayakap kundi gitara
nangangati sa kaiisip sa 'yo
hanggang sa mabutas 'tong maong ko
tsaka bibili uli ng bago
hanggang dito na lang ang liham ko
salamat sa atensyon mo
tsaka na lang pala ang utang ko
pag nakagkita na lang uli tayo

chorus

naalala kita Sembreak
naalala kita Sembreak
naalala kita Sembreak

Monday, September 01, 2008

Eheads Reunion Concert

T'was Fun! Seeing the 4 guys, singing, jamming, together again!

Raven and I watched the concert last night! It was my first time, first time in an open field concert. First time pumila sa ticketworld sa national bookstore. Eheads ito, we won't miss this thing!

Nabaliw na mga tao nung intro ng Alapaap pa lang. I can't describe the feeling pero parang nakakapangilabot nga e. Akala ko mauubusan na ako ng boses sa Ligaya, kaya medyo low profile muna ako. Hindi ko kayang mag low-profile nung next song Sembreak e, nakakamiss talaga yun kaya todo-bigay ako sa pagkanta. Other songs that sticked into me were Hey Jay, Fruitcake (hehe me merry Xmas pa si Ely), Kamasupra, Kailan, Kaliwete. Honestly di ko alam yung last song (Raven said it was Lightyears). Was hoping for Magasin, Huling El Bimbo, Pare ko pero ok lang kahit yung 1st set na lang.

Bitin! Yah bitin, but we understand the situation naman. No regrets, have some Fine Time with my moms naman and it was worth it.

Will try to post other stuffs over the week (commentaries, pics, sidetrips, foodtrips).

Get well soon Ely!

Sana nga me part 2 pa (ok wish ko na lang sa Wishing Wells)

Sunday, October 08, 2006

Ultraelectromagneticjam: Delayed Review

This is my first CD Review here at Chartotem's Blog. Quite delayed since the album was out around 9~10 months already. Bakit ba? Walang pakialamanan, blog ko to kaya kahit delayed ok lang, hehehe!

Seriously, tagal ko ng plan ito dahil fan rin naman ako ng Eraserheads. Tapos last month nag-materialize na ang blog na ito, kaya po ang mga wishlist ko eh tinutupad ko. Eto na sya:

6 Cycle Mind - Alapaap. A fresh opening track. Good setup tempo.
Paolo Santos - Magasin. Magasin was one of my favorite Eheads song. I remember singing it during my college days, especially during Micro's Bidding at Fort S. Paolo Santos remake was cool. I'm not an avid Paolo Santos Fan (Raven is :) ) I appreciated his remake.
Imago - Spoliarium. Dati nde ko alam ang tono nitong kanta na ito, ang alam ko lang me kanta ang eheads na Spolarium. OK naman ang remake ng Imago at least ngayon alam ko na ito pala yun.
Barbie Almabis - Overdrive. The usual Barbie tone, parang nakakatamad pakinggan. Mas gusto ko yata yung mga original song ni Barbie o di kaya ibang kanta na lang ang remake nila.
South Border - With A Smile. Walang kabuhay-buhay! Parang out of place itong south border dito. Isa ito sa mga tracks na pag play ko sa CD itong eheadsjam, fast-forward ko sya sa next track.
SugarFree - Tikman. Another fresh remake. Me mga naririnig akong bagong kanta nitong Sugarfree at OK naman pala sila. Good drums.
Kitchie Nadal - Ligaya. Hindi bagay ke Kitchie yung kanta. "Ilang ahit pa ba ang aahitin" halatang kahit si Kitchie eh natawa nung sya kumanta nito. I'm a Kitchie fan but I am not happy with the song-artist combo.
Isha - Torpedo. Another mismatched song-artist combo. Saka sino ulet ito Isha? Sorry nawala yata ako sa sirkulasyon pero talagang ito yata ang first time na narinig ko itong banda na to. Sorry thumbs down.
FrancisM - Superproxy 2K6. Good thing after Kitchie and Isha, bumawi naman ang Master Rapper. Cool talaga FrancisM, kahit matanda na sya, ok pa rin mag-rap, nde corny. OK rin daw video nito sabi ni Ujinn, pero nde ko pa naabutan sa TV, ala ako TV-life lately e. Natuwa rin ako sa mods ng lyrics from "i-dial lang ang telepono" to "isaksak lang ang modem nyo". Cool!
Orange and Lemons - Huwag Kang Matakot. One of my top tracks dito sa Album. Akala ko ang Orange and Lemons ay pang PBB lang, pero nabago ang tingin ko sa kanila dahil dito sa remake na ito. Ang sarap i-mix nitong track na ito sa "plagiarized" daw na PBB theme nila (Pinoy Ako).
Spongecola - Pare Ko. WTF! @#$@#%!!! Isa pa naman sa paborito kong kanta ng Eheads and Pare ko, pero parang binaboy naman ng Spongecola yung kanta. Ang pangit ng remake nila, parang me sipon pa lead vocals nila. Kaya boycott sa akin itong band na to.
M.Y.M.P. - Huwag Mo Nang Itanong. Another mismatched song-artist combo. Gusto ko MYMP pero parang boring pagkaka-remake nila dito.
Cueshe - Hard To Believe. Another @#$@#%!!! Saka hindi naman sikat itong kanta na ito, bakit kaya ni-remake ng Cueshe? Sana iba na lang kanta, saka sana ibang band na lang... hehehe!
Radioactive Sago Project - Alcohol. THE BEST!!! Ito yung remake na pagkatapos mo mapakinggan eh makakalimutan mo kung paano kinanta ng Eheads yung orig. Hindi masyadong sikat ang Alcohol dati pero etong remake ang dahilan kung bakit nasa Top 10 list ko na yung alcohol sa all-time favorite eheads song ko. Ang lulutong magbitaw ng lyrics! Cool talaga Radioactive Sago!!!
Brownman Revival - Maling Akala. One of the early revival songs na lumabas way ahead of the compilation album. Maganda ang diskarte ng band dito sa song. OK rin yung video. Maganda rin kase me participation ni Ely sa dulo. Thumbs up!
Rico J. Puno - Ang Huling El Bimbo. One of the surprise remake. Paborito yata ng Eheads si Rico J kaya sya ang ni-request na mag-remake ng isang song(?). Nakaaliw din kase classic Rico J pero Eheads lyrics. Another thumbs up!
Para Sa Masa. Various artist ito. at good ending track song. Thumbs up!

Overall: 4/5.
Good CD. Lalo na para sa mga nasa "age-bracket" ko. OPM ito kaya dapat tangkilikin. Don't buy PIRATED CD!!!
Marami pang kanta Eheads na wala sa compilation album na to. Ewan ko kung anong nangyari. But here's my personal wish list:
1. Sembreak
2. Kailan
3. Fine Time
4. Kamasupra
5. Hey Jay
6. Wishing Wells
7. Back 2 me
8. Toyang
9. Shirley
10. Julie Tearjerky
11. Tindahan ni Aling Nena

Sana nga ay meron pang part 2...

Tuesday, September 26, 2006

Topic Wishlist

1. Wed EXPs, preps, notes, links, etc. (save ko ito for publishing ng Oct. 7th para mas may impact)
2. Eheads Jam Review (matagal ko na naisip ito)
3. New APO Hiking Society Remake Album Review (hehe dapat yatang bumili muna ng CD bago magreview at magblog)
4. WhyDota? (bagong interes, pang reply sa anti-DOTA post na nakuha ko sa friendster)
5. Songs/Lyrics from the good ol' Batibot
6. Excelsior Parking (kanina lang naisip)

Sana mabigyan ko ng konting time at effort ang mga ito sa mga susunod na linggo.